^

Police Metro

Barko ng Pinas at China nagsalpukan sa Ayungin Shoal – CCG

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbanggaan ang mga barko ng Pilipinas at ng China sa katubigan sa Second Thomas Shoal (Ayungin Shoal) nitong Lunes.

Batay sa pahayag ng China Coast Guard binalewala umano ng resupply ship ng Pilipinas ang paulit ulit na babala ng China.

Inakusahan din nito ang barko ng Pilipinas na lumapit sa unprofessional na paraan na nagresulta umano sa banggaan.

Pinaratangan din ng CCG ang barko ng Pilipinas na ilegal umanong pumasok sa karagatan malapit sa Ayungin shoal sa Spratly Islands.

Iginiit ng CCG na nagsagawa umano sila ng control measures laban sa barko ng Pilipinas alinsunod sa batas.

Subalit, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) panlilinlang at panlilito ang pahayag ng CCG na kasalanan ng barko ng Pilipinas ang nangyaring banggaan.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Xerxes Trinidad, ang  tunay na isyu ay ang iligal na presensiya ng Chinese vessels sa  Exclusive Economic Zone Pilipinas kabilang ang ayungin Shoal kung saan matagal nang nakadaong ang barko ng Philippine Navy na tinatauhan ng mga Pilipino.

vuukle comment

AYUNGIN SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with