^

Police Metro

24/7 frontline government service inihain ng solon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang maging 24/7 ang mga government frontline services ay isang panukala ang inihain sa Kamara de Represen­tantes.

Sa panukalang 24/7 Frontline Government Services Act (House Bill 10426 na akda ni AGRI party-list Rep. Wilbert Lee, gagawa ng sistema para sa online query at assistance sa mga serbisyong ibinibigay ng gobyerno at palalawigin din ang oras ng operasyon para sa mga face-to-face transaction.

“Ang serbisyo ng gobyerno wala dapat pini­piling oras, dapat 24/7,” sabi ni Lee.

“This measure will give people who are mostly working or studying during weekdays from 8AM to 5PM a chance to avail of govern­ment services without compromising their jobs or daily tasks.”

Sa panukala ni Lee, ang isang nakipagtransaksyon sa gobyerno ay kakailanganin lamang pumunta sa tanggapan ng ahensya kung handa na ang mga dokumentong kailangan nito.

“Hindi na kailangan pa ng ating mga kababa­yan na gumastos sa pamasahe at umabsent sa trabaho o kaya ay maghintay pa ng pagbubukas ng opisina ng gobyerno para makapagtanong sa kailangang klaruhin o simulan nang ipa-prosesong dokumento,” sabi ni Lee.

vuukle comment

GOVERNMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with