^

Police Metro

3 katao todas sa araro ng trak

Doris Franche-Borja - Pang-masa
3 katao todas sa araro ng trak
Makikita ang 10 wheeler truck na inararo ang mga kabahayan na ikinasawi ng isang mag-ina at rider na babae na una nitong nasalpok nitong Sabado ng umaga sa Purok 6, Barangay Bangal, Dinalupihan, Bataan.

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi kabilang ang isang mag-ina matapos na araruhin ng isang 10 wheeler trak ang apat na bahay  kasunod nang pagbangga nito sa isang motorsiklo sa Purok 6, Barangay Bangal, Dinalupihan, Bataan, kama­kalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na nasawi noon din na  sina Glenda Agustin, 50; at anak nitong si Roxanne Agustin, 28, residente ng Purok 5, at motorcycle rider na si Eunice Ann Gonzales, 26, kawani ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na papauwi na sana sa Barangay Rizal, Olongapo City.

Sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang trak na minamaneho ni Billy Jo Villoria, 23, at bumangga sa motorsiklo na minamaneho ni Gonzales.

Pagkatapos nito ay dumiretso ang trak sa bahay kung saan natutulog ang pamilya Agustin.

Nagtamo ng matin­ding pinsala sa katawan ang mga biktima na ikinamatay nila noon din.

Tumakas drayber ng trak habang nasa kustodiya naman ng Dinalupihan police ang helper.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with