^

Police Metro

Gobyerno patuloy ang pamimigay ng kabuhayan sa mahihirap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang pamimigay ng gobyerno ng kabuhayan sa mga mahihirap na Pilipino.

Ito ang sinabi ACT-CIS at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, na isa sa mga programa ng pamahalaan bilang tugon sa kahirapan.

Mahigit sa 600 na indibidwal na mula sa iba’t ibang bahagi ng Cebu province at higit 300 naman na mga Boholano ang nabigyan ng puhunan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Huwebes at Biyernes.

Sina Tulfo at ACT-CIS Cong. Edvic Yap ay inanyayahan ng DSWD Region 7 bilang mga panauhin sa nasabing pamimigay ng pangkabuhayan ng ahensya.

Ang pagbibigay ng DSWD ng pangkabuhayan ay nakapaloob sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensya.

Nsa P15,000 ang natanggap na “seed money” ng bawat indibidwal mula sa mahihirap na komunidad base sa listahan ng DSWD.

“Malaking tulong din ng Kongreso sa patuloy na pagpopondo sa programang ito sa ilalim ni Speaker Martin Romualdez”, ani Cong. Tulfo.

Suhestiyon naman ni Cong. Yap, “mas maganda ipuhunan po ninyo ang perang yan kung saan sa tingin nyo ay lalago dahil yun ang nais nyong gawin”.

Pinasalamatan din ni Tulfo si DSWD Rex Gatchalian dahil sa patuloy ang pag-aasikaso ng opisyal sa mga mahihirap ng mga Pilipino saanmang sulok ng bansa.

vuukle comment

ERWIN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with