^

Police Metro

Sunog sumiklab sa Maynila: 2 patay!

Ludy Bermudo - Pang-masa
Sunog sumiklab sa Maynila: 2 patay!
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasawi ang isang 63-anyos na lalaki at 6-anyos na batang lalaki na kapwa ‘di pa pinangalanan.
Philstar.com

MANILA, Philippines —  Patay ang dalawa katao nang sumiklab ang sunog sa isang residential-commercial building nitong Sabado ng umaga sa Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasawi ang isang 63-anyos na lalaki at 6-anyos na batang lalaki na kapwa ‘di pa pinangalanan.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog bago mag-alas-5 ng umaga kahapon sa Barrio Kapampangan cor. Pedro Gil St. sa Brgy. 869, Sta. Ana.

Agad na inakyat ang sunog sa unang alarma.

Sinabi ni FO4 Joel Jacinto, Sub-station commander ng BFP Sta. Ana Fire Station na dinatnan nilang nasusunog na ang ikalawa hanggang ikatlong palapag ng gusali.

Batay sa pahayag ng isang empleyado, puro tindahan ang unang palapag, stockroom ang pangalawa at tulugan ang ikatlong palapag.

Rumesponde ang mga bumbero para maapula ang apoy na idineklarang fire out bago alas-7 ng umaga. Umakyat pa sa bubong ng katapat na gusali ang mga bumbero para mapabilis na maapula ang apoy. Sinabi ng isang residente, nakita nilang bumalik sa loob ng gusali ang matandang biktima matapos lumikas.

“Paglabas ko po sobrang lakas na. ‘Yung lalaki pinababa namin ‘yung may-ari, hindi namin alam na umakyat ulit. Hindi ko alam bakit umakyat ulit. Baka po apo niya. Naiwan siguro doon,” sabi ni Leo Olasiman.

Nasa tatlong pamilya ang apektado ng sunog habang hindi naman nadamay ang mga katabing gusali at bahay.

Pansamantalang manunuluyan sa covered­ court ng barangay ang mga nasunugan. Iniimbestigahan pa rin ng BFP ang pinagmulan ng sunog.

 

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with