^

Police Metro

MinDA chief sinibak sa pwesto ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinibak sa pwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Mindanao Development Authority (MinDA) Secretary Maria Belen Acosta.

Sa inilabas na kautusan na nilagdaan ni Exe­cutive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad dito na nawala na ang trust and confidence ng pa­ngulo kay Acosta.

Base sa dalawang pahinang liham, sinabi ni Bersamin na naging epektibo na ang pag-upo sa puwesto ni Secretary Leo Tereso Magno noong Mayo 21 nang manumpa sa tungkulin at ilabas ang appointment paper noong Mayo 13.

Sinabi naman ni Acosta na hindi pa opisyal na nabakante ang posisyon ng MinDA chief at walang basehan ang pagkaka-terminate sa kanya dahil fix term na anim na taon ang kanyang appointment paper na nilagdaan noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay pa sa argumento ni Acosta, hindi kailanman nabakante ang MinDA chairmanship dahil hindi naman siya tinanggal sa puwesto at wala namang isinampang anumang kasong admi­nistratibo o kriminal laban sa kanya.

Subalit, ipinaliwanag ni Bersamin sa kanyang liham na ang chairmanship position sa MinDA ay ‘confidential and po­licy determining’ kaya’t ‘valid’ ang pagkaka-sisante kay Acosta matapos aniyang mawalan ng kumpiyansa at tiwala sa kanya si Pangulong Marcos.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with