^

Police Metro

3 bangkay itinapon sa kalsada sa Rizal

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang magkakasunod na natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Rizal.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, alas-4:00 ng madaling araw kamakalawa nang matagpuan ang unang bangkay ng lalaki sa MH Del Pilar St., sa Brgy. San Rafael, sa Rodriguez, Rizal.

Nabatid na napadaan sa lugar ang bus driver na si Benjamin Dy, nang makita ang bangkay na nakasilid sa isang itim na garbage bag sa gilid ng kalsada na nakatali ang mga kamay at paa.

Dakong, alas-11:30 naman ng gabi kama­kalawa nang matagpuan ang dalawa pang bangkay sa May Puso Ave., Brgy. Kalayaan, sa Angono, Rizal.

Pauwi na ang isang concerned citizen nang makita ang dalawang bangkay sa gilid ng kalsada na may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa na nang masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima at kung iisa lang ang may kagagawan ng krimen.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with