^

Police Metro

Canadian drug trafficker harapin muna kaso, bago ipatapon - BI

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinakailangan munang harapin ng naarestong fugitive at Canadian drug trafficker na si Thomas Gordon O’Quinn ang mga kaso sa Pilipinas, bago siya tuluyang ipa-deport.

“He has to stand trial and face his crimes locally, before we deport him so he can again strand trial for the crimes he committed abroad,” ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco.

Sinabi rin ni Tansingco na ang koordinasyon ng local law enforcement agencies at ng BI na nagresulta sa pagkaaresto ni O’Quinn ang dahilan upang mahadlangan ang operasyon ng isang major criminal gang na nagtatangkang magsagawa ng drug operations sa bansa.

Matatandaang si O’Quinn, na gumagamit ng alyas na James Martin, 38, ay naaresto noong Mayo 16 sa Brgy. Maitim II, Tagaytay City sa joint operation na isinagawa ng fugitive search unit (FSU) ng BI at ng Regional Intelligence Division ng National Capital Region Police Office (NCRPO), PRO4A, kasama ang Tagaytay City Police Station.

Kung mapapatunayang guilty, maaari umanong masentensiyahan si O’Quinn ng maximum na life imprisonment sa ilalim ng US penal code.

Sa Pilipinas naman, nahaharap na si O’Quinn sa mga kasong paglabag sa Section 11 (Illegal Possession), Article II ng Republic Act 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Article 178 ng Revised Penal Code o Using Fictitious Name and Concealing True Name, alinsunod sa kautusan ng Department of Justice (DOJ).

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with