^

Police Metro

2 katao itinumba ng barangay chairman

Joy Cantos - Pang-masa
2 katao itinumba ng barangay chairman
Ayon sa imbestigasyon, dumating si Mailed at kanyang kaibigan na lasing na lasing na galit na kinuwestiyon si Castillo kung bakit isinara na ang disco bar gayong nais pa nilang mag-inuman hanggang umaga.
File

MANILA, Philippines — Pinagbabaril at napatay ng isang barangay chairman ang dalawang katao kabilang ang isang negos­yante naganap sa harap ng isang disco bar sa Brgy. Calaba, Bangued, Abra kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Elpidio Castillo Jr., 49, may-ari ng disco bar at Nonito Billedo, 31; pawang residente ng Brgy. Bangbangar, Bangued.

Ang suspek ay nakilala namang si Joel Bayle Mailed, 59, chairman ng Barangay Calaba sa ba­yang nabanggit.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen bandang ala-1:30 ng madaling araw sa harapan ng El Amor Disco Bar, Brgy. Calaba, Bangued, Abra na pag-aari ni Castillo.

Ayon sa imbestigasyon, dumating si Mailed at kanyang kaibigan na lasing na lasing na galit na kinuwestiyon si Castillo kung bakit isinara na ang disco bar gayong nais pa nilang mag-inuman hanggang umaga.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at ni Castillo hanggang sa bumunot ng .45 pistol ang una at walang sabi-sabing pinagbabaril ang huli at na­damay sa insidente si Billedo na nasa likod nito.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang dalawa na kapwa idineklarang dead- on-arrival ng mga doktor dahilan sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Sugatan namang nasakote ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya si Mailed matapos na maki­pagbarilan sa arresting team habang papatakas.

Narekober naman ng mga otoridad sa crime scene ang isang cal .45 pistol, isang cal 9 MM at mga basyo ng nasabing mga armas.

Nakatakdang kasuhan ng double murder ang naares­tong suspek.

vuukle comment

ELPIDIO CASTILLO JR

PINAGBABARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with