Lolo na naniningil ng renta, inutas ng boarder
MANILA, Philippines — Natagpuang patay kahapon ng umaga ang isang 78-anyos na lolong negosyante matapos na ito ay ataduhin nang saksak ng kanyang boarder sa Las Piñas City.
Ang biktima ay nakilalang si Felimo dela Cruz, ng Santos Avenue, Brgy. Zapote ng lungsod.Tumakas ang suspek na si Francis Villareal, alyas Andrew, nasa hustong gulang.
Ayon sa pulisya, dakong alas-7:15 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang kapitbahay.
Sa salaysay ng mga kapitbahay na bago natagpuang patay ang biktima ay narinig nilang mainit katalo nito ang suspek na sinisingil sa dalawang buwang utang sa upa.
Nagtataka sila kinaumagahan ay hindi ito lumabas ng bahay na dati naman nitong ginagawa kaya’t pinuntahan nila ang bahay at natagpuang patay na ito na mistulang pinahirapan muna.
- Latest