Duterte nag-sorry sa ‘Hitler remark’
MANILA, Philippines – Kasunod nang pahayag ukol kay Adolf Hitler at sa Holocaust ay humingi kahapon ng public applogy si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jewish community.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang paghingi ng paumanhin sa mensahe niya kahapon sa pagdiriwang ng Maskarra festival sa Bacolod City. “There was never any intention on my part to derogate the Jews,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte kaugnay sa kanyang naging nabitiwang pahayag ng dumating ito sa Davao City matapos ang kanyang 2-araw na pagbisita sa Vietnam” Magugunita na sinabi ni Duterte na “Hitler massacred 3 million Jews. There are 3 million drug addicts. I’d be happy to slaughter them”. Samantala, muling siniguro ni Pangulong Duterte na magiging malinis sa corruption ang kanyang gobyerno. “I’m going to retire after this presidency. I am succeeding in fight vs. corruption,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.
Sa kampanya naman niya laban sa illegal drugs ay kinakailangan daw ang dagdag na pondo para makapagtayo ng mga rehab centers sa sumusukong mga addicts.
- Latest