^

Police Metro

2 Romanian na miyembro ng cyber crime syndicate, nasakote

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga otoridad sa isang operation sa Mandaue City, Cebu noong Sabado ng gabi ang dalawang Romanian na umano ay miyembro ng notoryus na cyber crime syndicate na sangkot sa pagnanakaw ng pera sa Automated Teller Machine (ATM).

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Petru Loan Uveges, 43; at Stefania Mihaela Osman, 36.

Ang mga suspek ay nasakote sa akto ng mga tauhan ni Sr. Supt. Marlon Tayaba, CIDG Region 7 habang nagwi-withdraw ng  mga pera sa ATM machine  gamit ang mga cards na illegal na napasakamay ng mga ito.

Nasamsam mula sa mga suspek ang  P52,000.00; 67 piraso ng British export cards, isang Metro Bank Master card na nakapangalan kay Uveges, isang UniCredit Tiriac Bank at tatlong piraso ng Security Bank ATM.

Nakuha rin mula sa mga ito ang tig P 10,000.00 slip sa transaksyon sa Metro Rewards card na nakapangalan naman kay Osman; Rustan’s card na nakapangalan kay Mihaela Paroan, Romanian drivers license  na nasa pangalan din ni Osman, driver’s license, kulay puting Toyota Innova, mobile phones at iba pa.

Ang mga suspek ay mga notoryus na miyembro ng Romania Cyber Crime syndicate na nag-o-operate sa Cebu na ang modus operandi ay ang mag-withdraw ng pera sa mga ATM ng mga bangko gamit ang Bri­tish export cards upang magnakaw sa mga biktimang nagmamay-ari ng international bank accounts.

Ang mga suspek ang ikalawa at ikatlong Romanian na miyembro ng sindikato na nasakote matapos naman ang pagkakaaresto kay Gheoghe Adelin Stretsu, isang Romanian economist ng Cebu Police noong Setyembre ng taong ito.

ANG

AUTOMATED TELLER MACHINE

CEBU

CEBU POLICE

GHEOGHE ADELIN STRETSU

MANDAUE CITY

MARLON TAYABA

METRO BANK MASTER

METRO REWARDS

MGA

MIHAELA PAROAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with