Ginang natodas sa sex
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang inatake sa puso ang isang 45 anyos na ginang matapos itong dumaing nang paninikip ng dibdib habang nakikipagtalik sa lalaking kaniyang ka-date sa loob ng isang lodging inn sa Bacolod City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng kaniyang voter’s ID na si Marian Baltazar, 45, ng Legazpi City, Albay at nagtratrabaho sa isang videko bar sa Silay City, Negros Occidental. Idineklarang dead-on-arrival ang biktima sa Corazon Montelibano Memorial Hospital.
Samantala, inimbitahan naman ng Bacolod City Police ang ka-date ng biktima na nakilalang si Bill Mejica, 59, may asawa at naninirahan sa Brgy.1, Silay City.
Sa imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng gabi ng magcheck-in sa Room 37 ng Adam’s Lodge sa Brgy. Bata, Bacolod City ang dalawa.
Gayunman, bandang alas-9:00 ng gabi ay humingi ng tulong sa mga staff ng nasabing lodging inn si Mejica matapos umano’y tinamaan ng matinding ubo, paninikip ng dibdib at nagsuka pa ang biktima.
Ang biktima ay parang hinihika umano hanggang sa mawalan ng malay kaya nag-buzzer ang nasabing lalaki sa pangasiwaan ng nasabing lodging inn.
Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima na pinaniniwalaang inatake sa puso.
Nakatakda namang isailalim sa otopsiya ang bangkay ng nasabing babae upang alamin kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito at patuloy rin ang imbestigasyon sa lalaking katalik nito.
- Latest