^

Police Metro

Cong. Gonzalez kinasuhan ng plunder at graft

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsampa ng kasong plunder at graft sa tanggapan ng Ombudsman ng grupong Sentinels of the Rule of Law laban kay Mandaluyong City Congresman Neptali Gonzalez II.

Batay sa 58 pahinang reklamo ng natu­rang  grupo sa pangu­nguna ng tagapagsalita nilang si Jefferson Indap, na umaabot sa P315 mil­yon ang nawaldas ng naturang mambabatas dahil sa maanomalyang paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ang batayan ng grupo sa pagsasampa nila ng kaso ay ang special audit report na inilabas ng Commission on Audit (COA) hinggil dito noong 2013.

 Ayon kay Indap, isinampa ang kaso sa Ombudsman upang mabusisi ito ng husto ng naturang ahensiya hinggil sa sinasabing hindi magandang pinuntahan ng PDAF ng mambabatas.

Napaulat na ginamit ni Gonzales ang kanyang pork barrel sa  mga kwestyunableng livelihood at financial assistance, pagbili ng kung anu-anong mga kagamitan at ilang mga ghost projects.

Binigyang diin ni Indap na walang aksyong isinagawa ang Ombudsman sa usaping ito dahil kaalyado ng administras­yon kung  kayat sila na mismo ang nangalap ng mga ebidensya para sampahan ito ng kaso.

 

AYON

BATAY

BINIGYANG

GONZALES

INDAP

JEFFERSON INDAP

MANDALUYONG CITY CONGRESMAN NEPTALI GONZALEZ

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SENTINELS OF THE RULE OF LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with