^

Police Metro

Lolo natuluyan sa ikalawang pagpapakamatay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natuluyan ang isang 63-anyos na lolo sa kanyang ikalawang pagpapakamatay nang ito ay magbigti kamakalawa nang hindi umano  makayanan ang depresyon sa buhay nang iwan ng kanyang misis naganap sa Pasig City.

Natagpuang nakabigti at walang buhay ang biktima na si Tomasito Rosales, caretaker at stay-in sa GRD Construction Company Barracks, na matatagpuan sa Diamond St., Octagon Village, Barangay Dela Paz ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang matuklasan ang pagbibigti ng biktima sa loob ng kuwarto nito nang dalhan ito ng pagkain ng isang William Dominguez.

Ayon sa bayaw ng biktima na si Bobby Men­doza, na simula ng iwan ng misis ay nakakaranas na ito ng matinding depresyon na ang unang pagtatangka sa buhay ay nang uminom ito ng bleach.

Subalit, nakaligtas ito nang madala agad ito sa ospital at maisuka ang nainom na bleach.

Bukod sa iniwanan ng misis ay may sakit din itong tuberculosis na posibleng nakadagdag sa depresyon nito.

 

vuukle comment

BARANGAY DELA PAZ

BOBBY MEN

CONSTRUCTION COMPANY BARRACKS

DIAMOND ST.

NANG

OCTAGON VILLAGE

PASIG CITY

TOMASITO ROSALES

WILLIAM DOMINGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with