Environmental law sa QC palalakasin
MANILA, Philippines - Upang matiyak na nakapagbibigay ng tamang serbisyo sa mga tao ay isinusulong ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang pagpapalakas sa environmental laws sa lungsod.
Si Belmonte na siyang chairperson ng technical working group ay inatasan ni Mayor Herbert Bautista na pangunahan ang pagbusisi sa kasalukuyang batas sa kapaligiran para makagawa ng isang local measure na magko-consolidate at titiyak sa dagdag na probisyon hinggil sa pagpapalakas sa environmental laws na tatawaging QC Environment Code.
Hanggang sa buwan ng Agosto ng taong ito ay inaasahan ni Belmonte na matatapos ang ipinatutupad na public consultation sa iba’t ibang sector at hangad na maipatutupad ang QC Environment Code bago sumapit ang pagdiriwang ng ika-75th Jubillee ng QC sa darating na Oktubre.
- Latest