^

Police Metro

Technician tigok: Inatake sa puso sa loob ng hotel

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang aircon technician makaraang manikip ang dibdib nito sa loob ng isang hotel habang kasama ang isang bebot, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang biktima na si Agosto Bodomo, 49, may asawa, aircon technician, at residente ng P. Corregidor,  Veterans Village sa lungsod.

Ayon kay PO2 Roldan Cornejo, may-hawak ng kaso,  si Bodomo ay nagawa pang maisugod sa ospital subalit idineklara rin itong dead-on-arrival.

Nangyari ang insidente sa loob ng isang hotel sa Pinatubo St., Brgy. San Martin de Porres, Cubao, ganap na alas-9:30 ng gabi. 

Sinabi ni Maria Clara Bustillo, nasa loob sila  ng room 812 ng hotel ng biglang nahirapan umanong huminga ang biktima kaya humingi sila ng tulong sa mga security guard ng hotel at itinakbo ang biktima sa East Avenue Medical Center pero hindi na umabot ng buhay.

 Hinihintay pa ng mga awtoridad ang resulta ng otopsiya upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima.

 

AGOSTO BODOMO

AYON

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

MARIA CLARA BUSTILLO

PINATUBO ST.

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ROLDAN CORNEJO

SAN MARTIN

VETERANS VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with