^

Police Metro

Fastfood holdap: 2 patay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang se­curity guard at isang holdaper sa panghoholdap na naganap sa isang kilalang fastfood chain sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napatay na guwardiya na si Jericho Belarmino habang ang holdaper ay si Dan Anthony Contado, residente ng Zapote St., Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng Marikina City Police, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-8:00 ng gabi  sa loob ng isang kilalang fastfood chain sa General Ordonez corner B.B Avenue, Bayan-baya­nan, Barangay Concepcion Uno sa lungsod.

Ayon sa report, nagpanggap umanong kostumer ang apat na holdaper at nang makapasok sa loob ay saka dinisarmahan si Belarmino at kaagad na kinuha ang pera sa kahera.

Nagawa naman ni Belarmino na makahiram ng baril mula sa guwardiya ng katabing convenience store at hinabol ang mga papatakas na suspek.

Naaktuhan naman ng Special Reaction Unit ng Marikina Police ang insidente at napatay sa engkuwentro ang isa sa mga suspek.

Minalas namang ta­maan ng bala at mapuru­han ng mga suspek si Belarmino kaya ito nala­gutan ng hininga at tuluyan nakatakas ang tatlong pang holdaper na sinasabing nang-agaw ng isang taxi (UJO-644), na malaunan ay inabandona rin ng mga ito sa bahagi ng East Drive sa lungsod.

Narekober mula sa loob taxi ang isang bali­song at magasin ng baril na kalibre .45 pistola.

Patuloy na tinutugis ng mga pulis ang mga nakatakas na suspek habang inaalam pa kung magkano ang natangay nilang pera.

B AVENUE

BARANGAY CONCEPCION UNO

BELARMINO

CALOOCAN CITY

DAN ANTHONY CONTADO

GENERAL ORDONEZ

JERICHO BELARMINO

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with