^

Police Metro

CCTV sa kulungan ni Napoles

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kakabitan ng Closed Circuit Television (CCTV) camera at mga rehas ang pintuan, bintana at maging kisame ang mini bungalow type na bahay-kulungan  sa loob ng Fort Sto. Domingo, Sta Rosa, Laguna na paglilipatan kay Janet-Lim Napoles, ang utak sa P 10 bilyong pork barrel  scam.

Ayon kay Roxas, bawal ang cell phone at applian­ces kay Napoles at ang tanging papayagan ay ang mini ref para paglagyan ng mga gamot nito habang babantayan rin ito ng mga nurse at iba pang medical staff.

Si Roxas at PNP Chief Director Gen. Alan Purisima ay personal na nag-inspection sa mini bungalow na magsisilbing detention facility ni Napoles kahapon ng umaga.

Ang naturang bungalow type na bahay ay dating pinagkulungan sa pinatalsik na si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada noong 2001, Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari na nasangkot naman sa rebelyon noong 2002  at Senador Gringo Honasan matapos na maaresto noong 2006 na itinurong utak ng 2003 Oakwood mutiny.

ALAN PURISIMA

CHAIRMAN NUR MISUARI

CHIEF DIRECTOR GEN

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

FORT STO

JANET-LIM NAPOLES

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NAPOLES

PANGULONG JOSEPH

SENADOR GRINGO HONASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->