^

Police Metro

Drilon nagpapahiwatig para sa senate prexy

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbigay na ng kanyang pahiwatig para ma­ging lider muli ng Senado si Senator Franklin Drilon dahil na rin sa lawak ng kanyang karanasan.

Sinabi ni Drilon sa isang panayam sa telebis­yon mas nakahanda na siyang harapin anumang sitwasyon sa Senado kahit pa sinasabing maikukumpara sa 24 republics ang 24 na miyembro ng Mataas na Kapulungan.

Dapat din naman uma­nong intindihin ang 24 na Senador lalo pa’t may mandato ang bawat isa sa kanila ng nasa 14 milyong botante.

Bagaman at ayaw pa rin umanong maging “presumptuous” ni Drilon na siya na ang susunod na SP kapalit ni Senate President Juan Ponce Enrile ipinagmalaki nito na mas may kapasidad siyang isulong ang mga panukalang batas na maghahatid ng reporma sa bansa.

Muli ring inamin ni Drilon na nagkasundo na sila ni Senator Manny Villar na mananatili ang ko­walisyon ng Liberal Party at ng Nacionalista Party para matiyak na mananatili sila sa mayor­ya at maisusulong ang mga panukalang batas na prayoridad ng administras­yon kabilang na ang pag-amiyenda sa mining law.

Nakahanda rin umano si Drilon na harapin ang magiging minorya sa Senado na sinasabing mas magiging “mabagsik” kum­para sa minorya ngayong 15th Congress.

 

BAGAMAN

DAPAT

DRILON

LIBERAL PARTY

NACIONALISTA PARTY

SENADO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SENATOR MANNY VILLAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with