Mga puslit na sasakyan at float glasses nasamsam
MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang may P30 milÂyon halaga ng mga puslit na imported na sasakyan at float glass sa Tipasco Port, Davao.
Kahapon ay personal na siniyasat ni Commissioner Ruffy Biazon kasama si Davao Port District Collector Atty. Martiniano Bangcoy ang isang forty footer container van na naglalaman ng tatlong smuggled imported na sasakyan na nasabat noong Pebrero 21, 2013 sa nasabing pantalan.
Ang mga ito ay 2003 Mini Cooper, na may internet book, na ang halaga ay nasa 1,100,000 Japanese Yen (Php 463,891.21); 2003 Nissan 350Z, na mayroon ding internet book, na ang halaga ay nasa US$ 34,688.00 (Php 1,408,387.61) at isang 2006 Range Rover SUV, na mayroon ding internet book, na ang halaga ay nasa US$ 29,900 ( PhP 1,213,987.24) na pawang nagmula sa Long Beach, USA at ang consigÂnee nito ay ang Ranths GeÂneral Merchandise.
Sampung forty footer container pa ang ininspekÂsyon ni Biazon at na naglalaman ng bronze victory float glasses mula sa China, na ang halaga ay tinatayang nasa P25 milyon na ang consignee ay CSB Import and Export Containers na ay nasabat noong Enero 7, 2013.
- Latest