^

Police Metro

Nasabat na Vietnam rice, kalkalin – Abono

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippine s- Pinakakalkal ng isang partylist group sa pamahalaan ang sinasabing nasabat ng Bureau of Customs (BOC) na sako-sakong smuggled na Vietnam rice na nagkaka­halaga ng P9 million upang mabatid kung sino ang mga nasa likod nito.

Ipinagtataka ng Abono Partylist Group kung bakit ang mga sako-sakong smuggled na bigas na nagmula sa Vietnam, na nakalagay sa 35 20-footer container van  na nahuli ng mga tauhan ni BoC De­puty Commissioner Danilo Lim ay walang consignee at wala umanong nagmamay-ari ng mga ito at nalaman pa rin na hindi ito masampahan ng kaso sa DOJ.

Nasabat ng mga taga Customs kamakailan ang mga nabanggit na bigas sa Phividec, Tagoloan, Misamis Oriental.

Nanawagan din ang Abono Partylist sa Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa naging operasyon ng mga tauhan ni Lim laban sa naturang mga smuggled Vietnam rice.

Mahigpit ang kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III sa BoC na kung sakaling may masasabat na mga kahinahinalang mga kargamento sa bansa ay kaagad na sampahan ng kaso sa korte.

ABONO PARTYLIST

ABONO PARTYLIST GROUP

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER DANILO LIM

DEPARTMENT OF JUSTICE

IPINAGTATAKA

MISAMIS ORIENTAL

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with