^

Police Metro

5 katao dedo sa bumagsak na scaffolding

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umabot sa li­mang obrero ang nasawi sa pagbagsak ng scaffol­ding sa isang planta ng kuryente sa Pililla, Rizal kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Eduar­do Fidel, Gregorio Ri­calde, Jeffrey Sinag, Antonio Manguerra, at Roberto Mesias, pawang mga contractor ng  SPC Malaya Power Corporation.Habang nasa 12 pa ang malubhang nasugatan.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon noong Linggo nang maganap ang pagbagsak ng bakal na scaffolding na may 70 talampakan ang taas sa loob ng nasabing planta na matatagpuan sa Brgy. Malaya.

Lumalabas sa im­bestigasyon na nililinis ng mga trabahador ang mga “smoke stack” o labasan ng usok ng planta nang bumagsak ang tinatapakan nilang bakal na scaffoldings.  

Dahil sa taas ng scaffolding, nagtamo ng iba’t ibang pinsala sa katawan ang mga mangagawa na nadagdagan pa nang bumagsak sa kanila ang mabigat na mga bakal.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung tumupad sa panuntunan sa kaligtasan ang kumpanya o sadyang nagkaroon ng kapaba­yaan.  

Pansamantalang itini­gil muna ng planta ang kanilang operasyon.

ANTONIO MANGUERRA

BRGY

DAHIL

EDUAR

GREGORIO RI

JEFFREY SINAG

MALAYA POWER CORPORATION

ROBERTO MESIAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with