Pintor nakuryente, utas
MANILA, Philippines - Utas ang isang pintor habang sugatan ang dalawa niyang kasama makaraang tamaan ng malakas na boltahe ng kuryente habang may kinukumpuni sa isang bahay sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang nasawi na si Ivan Soledad, 28, binata habang ang mga sugatan naman ay sina Berlin Asuncion, 31 at Rommel Peseto, 32 na pawang mga kawani ng Escon builders at residente sa Brgy. Culiat sa lungsod.
Sinabi ni SPO2 Jaime Jimena, may-hawak ng kaso, si Soledad ay nasawi habang sinusubukang iligtas ng mga manggagamot sa may East Avenue Medical Center kung saan naman nagpagaling ang mga biktimang sina Asuncion at Peseto.
Ang insidente ay naganap sa bahay na kanilang ginagawa sa #86K 6th St., Kamias, ganap na alas-3:45 ng hapon.
Ayon sa report, habang tinatanggal ng mga biktima ang scaffoldings sa ikalawang palapag ng naturang bahay nang madikit ang hawak nilang ‘led pipes’ ng scaffolÂdings sa kawad ng kurÂyente.
Sabay-sabay na nakuryente ang tatlo, pero sina Asuncion at Peseto ay nagawang makahawak sa isa pang scaffoldings na nakapirmi sa lugar kung kaya hindi sila nahulog na tulad ni Soledad na tumalsik at diretsong bumagsak sa ibaba na una ang kanyang ulo.
Agad na isinugod ang mga biktima sa EAMC at doon nalagutan ng hiniÂnga si Soledad at ang dalawa ay nagpapagaling pa.
- Latest