^

PM Sports

Alas bigatin ang kagrupo sa world meet

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Alas bigatin ang kagrupo sa world meet
Sina (mula kaliwa) Fabio Azevedo, FIVB Director, Willian Vincent Araneta Marcos co-chairperson, Local Organizing Committee at Senator Alan Peter Cayetano, PNVF chairman co-chairperson Local Organizing Committee (LOC) sa FIVB Men’s World Championship 2025 draw na idinaos sa Solaire Casino.
Kuha ni Russell Palma

MANILA, Philippines — Makakaharap ng Alas Pilipinas men ang Tunisia, Egypt at Iran sa 2024 FIVB Men’s Volleyball World Championships matapos ang opisyal na draw kama­kalawa ng gabi sa Solaire Resort sa Parañaque City.

Nalagay ang Pinas, world No. 64, sa Pool A bilang solo host bago nakasama sa bunutan ang No. 20 Egypt, No. 24 Tunisia at No. 15 Iran.

Walang nakapangkat na European o American team ang Alas subalit solido pa rin ang grupong kinabila­ngan lalo’t 11-time African champion ang Tunisia, reigning champion naman ang Egypt habang Asian runner-up ang Iran.

Pinangunahan ni Phi­lippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara na bagong halal din bilang Asian Volleyball Confede­ration (AVC) chief ang draw kasama si FIVB general director Fabio Azevedo.

Si Azevedo ang nag-turnover ng world cham­pionship trophy sa PNVF at Philippine local organizing committee (LOC) sa pa­ngunguna ni co-chairmen William Vincent Araneta Marcos at Senator Alan Peter Cayetano.

Samantala, bida sa Pool B ang 3-time world champion, European champion at world No. 1 Poland kasama ang Romania, Qatar at Netherlands habang nasa Pool C ang world No. 2, Olympic at VNL champion na France kasama ang Korea, Finland at Argentina.

Sa Pool D naman ang crowd darling at world No. 3 USA kasama ang Colombia, Portugal at Cuba, Pool E ang world No. 4 Slovenia, Chile, Bulgaria at Germany habang nasa Pool F ang world No. 5 at 2022 world champion Italy kasama ang Algeria, Belgium at Ukraine.

Swak ang isa pang crowd favorite na world No. 6 Japan, Libya, Turkey at Canada sa Pool G habang nasa Pool F ang world No. 7 Brazil, China, Czech Republic at Serbia upang kumpletuhin ang 32 na koponan.

Sa Mall of Asia Arena at Smart-Araneta Coliseum gaganapin ang world championships na sa unang pagkakataon ay idaraos sa Pinas, sa Southeast Asia at tampok ang pinalaking 32-team cast na pinakamarami sa kasaysayan.

FIVB MEN’S VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with