^

PM Sports

Pampanga, Davao City pasok sa semis ng PSL National Finals

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pasok sa semifinal round ng PSL National Finals ang Pampanga at Davao City matapos talunin ang kani-kanilang karibal sa Victoria Sports Club sa Quezon City.

Minasaker ng Pampanga ang Caloocan, 82-58, para sa ikatlong sunod na panalo patungo sa semifinals.

Bumida para sa Pampanga si Yujin Peña sa kanyang 12 points at 11 rebounds habang tatlong players pa ang kumayod ng 10 markers o higit pa.

Bukod kay Peña ay magandang laro rin ang ipinamalas nina Kent Lagman na nagtala ng 16 points at may 12 at 11 markers sina Chester Tulabut at Gean Angeles, ayon sa pagkakasunod.

Kagaya ng Pampanga, wala ring talong tutulak sa semifinals ang Davao City na idinispatsa ang Ormoc-OCCCI, 71-57.

Sumandal ang Davao City kay Darlico Gan­tuangco na tumipa ng 20 points habang double-double si Jefferson Bentulan sa kanyang 17 points at 12 rebounds.

Ito rin ang ikatlong sunod na panalo ng Davao City sa under-16 ng National Finals.

Nanaig naman ang Manila-UST, 80-65 habang tinalo ng Cebu-USPF ang Misamis Oriental, 103-75.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with