^

PM Sports

Hornets tinakasan ang Jazz

Pang-masa
Hornets tinakasan ang Jazz
Tinangkang supalpalin ni Jazz center Rudy Gobert si Hornets forward P.J. Washington.

CHARLOTTE, N.C. — Naglista si Miles Bridges ng 26 points at 11 rebounds para akayin ang Hornets sa 107-101 panalo laban sa Utah Jazz at pumuwesto sa No. 9 spot sa Eastern Confe­rence.

Nag-ambag si Terry Rozier ng 25 points kasunod ang 21 markers ni LaMelo Ball para sa Charlotte (38-36) na nagmula sa 15-point loss sa New York Knicks noong Miyerkules.

Umiskor si Donovan Mitchell ng 26 points at may 19 markers si Fil-Am Jordan Clarkson para sa ikatlong sunod na kabi­guan ng Utah (45-27) na nagtabla sa kanila sa Dallas Mavericks sa No. 4 spot sa Western Confe­rence.

Matapos isalpak ni Rozier ang dalawang free throws sa huling 17.6 segundo para sa six-point lead ng Hornets ay nagmintis naman si Mitchell sa kanyang 3-point attempt sa huling posesyon ng Jazz.

Sa Atlanta, nagtala si Trae Young ng 33 points at 15 assists sa 121-110 pagdagit ng Hawks (37-37) sa Golden State Warriors (48-26).

Sa Los Angeles, nagtala si James Harden ng 29 points at season-high 15 rebounds sa 122-97 paggupo ng Philadelphia 76ers (46-27) sa Clippers (36-39).

Sa Detroit, kumolekta si Kristaps Porzingis ng 30 points at 10 rebounds sa 100-97 pagtakas ng Washington Wizards (31-42) sa Pistons (20-54).

Sa Miami, humugot si Immanuel Quickley ng 20 sa kanyang 23 points sa fourth quarter para igiya ang New York Knicks (32-42) sa 111-103 pagsapaw sa Heat (47-27).

vuukle comment

UTAH JAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with