Blazers, Cardinals sumampa sa Final Four
MANILA, Philippines — Dalawang koponan na ang nakatiyak ng tiket para sa Final Four ng NCAA Season 100 men’s basketball tournament.
Ang mga ito ay ang nangungunang College of St. Benilde at Mapua University na may 12-2 at 11-3 record, ayon sa pagkakasunod.
Dalawang Final Four berths na lamang ang paglalabanan ng mga natitira pang tropa sa huling pitong playdates ng second round.
Nasa ilalim ng St. Benilde at Mapua ang nagdedepensang San Beda University (9-5), Emilio Aguinaldo College (7-7), Colegio de San Juan de Letran (7-8), Lyceum of the Philippines University (6-8), University of Perpetual Help System DALTA (6-9), Arellano University (5-9), Jose Rizal University (4-10) at San Sebastian College-Recoletos (4-10).
Pinalakas ng Generals ang tsansa sa Final Four sa bisa ng kanilang pagsosolo sa fourth place.
“So we move on to the next game, wala namang kuwenta itong panalo na ito if we will not win the next four games,” ani EAC coach Jerson Cabiltes matapos ang kanilang 68-58 panalo sa Letran noong Martes.
Magpapatuloy ang mga aksyon sa Nobyembre 5 tampok ang bakbakan ng Lyceum at Baste sa alas-11 ng umaga kasunod ang banatan ng Arellano at JRU sa alas-2:30 ng hapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
- Latest