^

PM Sports

Philippine team aasinta ng medalya sa Asian Winter Games

Russell Cadayona - Pang-masa
Philippine team aasinta ng medalya sa Asian Winter Games
POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Philippine Olympic Committee (POC) na makakamit ng bansa ang kauna-unahang gold medal sa Winter Olympic Games.

At ang misyong ito ay magsisimula sa paglahok ng 20 national athletes sa 9th edition ng Asian Winter Games na nakatakda sa Pebrero 7 hanggang 14 sa Harbin, China.

Binuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic Games gold medal ng bansa sa Tokyo Games noong 2021.

Kasunod nito ang dalawang gintong medalya na inangkin ni gymnast Carlos Edriel Yulo sa men’s floor exercise at vault events sa 2024 Paris Olympics.

May ambag ding tig-isang tanso sina Pinay bo­xers Nesthy Petecio at Aira Villegas.

“We’ve already accomplished the dream in the Summer Olympics—three gold medals in consecutive games,” wika ni POC pre­sident Abraham “Bambol” Tolentino kahapon. “And that dream we want to also achieve in the Winter Olympics.”

Hindi pa nagwawagi ng medalya ang Pinas sa Winter Olympics.

Sasabak ang 20 national athletes sa anim sa 11 sports na nakalatag sa Harbin Winter Games.

Lalahok sina Paolo Borromeo, Aleksandr Korovin, Cathryn Limketkai, Isabella Marie Gamez at Sofia Lexi Jacqueline Frank sa figure skating.

Kakampanya sa curling, ang isa mga most-watched winter sports discipline, sina Marc Angelo Pfister, Enrico Gabriel Pfister, Christian Patrick Haller, Alan Beat Frei, Jessica Pfister, Benjo Delarmente, Kathleen Dubberstein, Leilani Dubberstein, Sheila Mariano at Anne Marie Bonache.

Pupuntirya naman ng medalya sina Francis Ceccarelli at Talullah Proulx sa Alpine skiing; habang kasali si Laetaz Amihan Rabe sa freestyle skiing.

Si Peter Joseph Groseclose ang tatarget ng medalya sa short track speed skating at si Adrian Tongco sa snowboarding. 

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with