^

PM Sports

SGA, OKC dinispatsa ang Timberwolves

Pang-masa
SGA, OKC dinispatsa ang Timberwolves
Umeskapo si Oklahoma City Thunder guard Shai Gilgeous-Alexander sa depensa ni Minnesota Timberwolves guard Anthony Edwards.

OKLAHOMA CITY — Bumanat si Shai Gilgeous-Alexander ng 40 points para banderahan ang Thunder sa 113-105 pagpapatumba sa Minnesota Timberwolves.

Humakot si center Isaiah Hartenstein ng 15 points at 10 rebounds habang may tig-14 markers sina Lu Dort at Jalen Williams para sa Oklahoma City (27-5).

Kumamada ang home team ng 43 points sa kabuuan ng third period para talunin ang Minnesota (17-15) na nakahugot kay Anthony Edwards ng 20 points.

Ang dalawang free throws ni Anthony sa hu­ling 2:03 minuto ng fourth quarter ang nagdikit sa Timberwolves sa 103-106 bago magsalpak si Gilgeous-Alexander ng isang 3-pointer para muling ilayo ang Thunder sa 109-103.

Nagdagdag si Naz Reid ng 19 points at may 16 markers si Mike Conley para sa Minnesota na napigilan ang three-game winning run.

Sa Los Angeles, umiskor si Jarrett Allen ng season-high 27 points habang may 26 markers si Donovan Mitchell sa 122-110 pagdomina ng Cleveland Cavaliers (29-4) sa Lakers (18-14).

Sa Phoenix, nagbagsak si Jaren Jackson Jr. ng 38 points para pangunahan ang Memphis Grizzlies (23-11) sa 117-112 pagsakmal sa Suns (15-17).

Sa San Antonio, nagkadena si Victor Wembanyama ng 27 points, 9 rebounds, 5 assists at 3 blocks sa 122-86 pagdispatsa ng Spurs (17-16) sa LA Clippers (19-14).

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with