Jazz inilubog ng Kings sa 0-4
SALT LAKE CITY — Humakot si Domantas Sabonis ng 28 points at 11 rebounds habang may 19 markers si De’Aaron Fox sa 113-96 panalo ng Sacramento Kings sa Utah Jazz.
Nag-ambag si DeMar DeRozan ng 20 points para sa ikalawang sunod na ratsada ng Sacramento matapos ang 0-2 panimula.
Umiskor sina Kevin Huerter at Keegan Murray ng tig-14 points.
Binanderahan ni Fil-Am Jordan Clarkson ang Utah (0-4) sa kanyang 21 points at may 18 markers si John Collins.
Hindi naglaro sa ikalawang sunod na pagkakataon sina injured starting forwards Taylor Hendricks (broken leg) at Lauri Markkanen (back spasms).
Sa San Francisco, bumanat si Buddy Hield ng season-best 28 points at nag-ambag si Brandin Podziemski ng 19 markers para gabayan ang Golden State Warriors (3-1) sa 124-106 pagdaig sa New Orleans Pelicans (2-2).
Nagpasabog si Zion Williamson ng season-high 31 points mula sa 12-for-20 field goal shooting sa panig ng Pelicans habang may 30 markers si Brandon Ingram.
Sa New York, naglista si Nikola Jokic ng triple-double na 29 points, 18 rebounds at 16 assists para igiya ang Denver Nuggets (2-2) sa 144-139 overtime win sa Brooklyn Nets (1-3).
Sa Minneapolis, humugot si Kyrie Irving ng 16 sa kanyang 35 points sa third quarter at kumolekta si Luka Doncic ng 24 points, 9 assists at 8 rebounds sa 120-114 paggiba ng Dallas Mavericks (3-1) sa Minnesota Timberwolves (2-2).
- Latest