^

PM Sports

Cignal ibinangon ni Villarias

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinayuko ng Cignal ang CafeFrance sa iskor na 88-74 upang itala ang kanilang unang panalo sa 2017 PBA D-Lea­gue Aspirants’ Cup sa Ynares Arena kahapon.

Kumopo ng  21 pun­tos si dating JRU guard Byron Villarias, tampok ang limang tres para sa Hawkeyes.

Maagang kinontrol ng Hawkeyes ang tempo sa bungad pa lang ng first quarter nang itala ang 14-3 kalamangan, bago pi­nalobo ito sa 73-49 pagdating ng fourth quarter.

“Well it really gave us the confidence right now that we can win in this league,” pahayag ni Cignal head coach Boyet Fernandez ukol sa kanilang panalo. “Hopefully we can continue to learn and improve our team.”

“Everybody played well off the bench. Credit to the starters for starting well, I’m happy that we all stepped up (today)” dagdag pa ni Fernandez.

Nasayang naman ang 29 puntos at 16 rebound ni Congolese center Rodrigue Ebon­do para sa Bakers nang hindi niya nadala ito sa panalo at ma­tikman ang unang ka­­biguan para tablahan ang Hawkeyes sa 1-1 kar­tada sa standings.

Samantala, minatsa­han ng Tanduay ang Wangs Bas­ketball, 94-81 para sa kanilang unang panalo sa unang laro.

Nagtala ng 27 puntos si dating Star Hotshot Mark Cruz mula sa bench upang pangunahan ang Rhum Masters na nakabalik sa porma matapos ang unang kabiguan.

Nakalubog sa 7-2, sa first quarter, pinagana ng Rhummasters ang kanilang opensa sa pagbuslo ng 22 fastbreak points kumpara sa 12 lamang ng Courieres na nging tulay ng kanilang panalo. FLumba

 

 

VILLARIAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with