Unang panalo ng Blackwater
MANILA, Philippines – Matapos ang 14 pagtatangka ay nakamit na rin ng Blackwater ang kanilang kauna-unahang panalo sa Philippine Basketball Association.
Nakuha nila ito laban sa San Miguel, ang nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup.
“It was a moment that you could really cherish, especially for the Blackwater franchise here in the PBA,” sabi ni head coach Leo Isaac.
Isang krusyal na follow-up ni forward Gilbert Bulawan sa huling 10.6 segundo ng laro at tatlong mintis na tangka sa three-point line ng Beermen ang nagpreserba sa 80-77 panalo ng Elite sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Bago ang nasabing panalo ay napantayan ng Blackwater ang 0-14 record ng Shopinas.com team ni mentor Franz Pumaren noong 2011-2012 season.
Ang 0-15 marka ng Welcoat ni coach Caloy Garcia noong 2007-2008 Philippine Cup hanggang sa Fiesta Conference ang pinakamahabang losing streak ng isang PBA team.
Nalasap naman ng San Miguel ang kanilang ikatlong sunod na talo, isa dito ay laban sa Kia, matapos pagharian ang nakaraang PBA Philippine Cup laban sa Alaska.
Kinuha ng Beermen ang 10-point lead, 21-11, sa first period bago ang 20-6 atake ng Elite para ilista ang 58-50 abante sa 2:00 minuto sa third quarter.
Tumapos si 6’11 naturalized player Marcus Douthit na may 20 points, 14 rebounds at 4 blocks. (RC)
- Latest