^

PM Sports

Bakers, Gems pasok sa Final Four

ATan - Pang-masa

Laro sa Huwebes (The Arena, San Juan City)

2 p.m. – Hapee vs Café France Bakers

4 p.m. – Cagayan vs Cebuana Lhuillier

MANILA, Philippines – Nakakuha ng solidong numero ang Ca­fé France Bakers sa ka­nilang mga guards para ta­pusin ang laban ng ba­guhang Bread Story-Lyceum Pirates, 81-68, sa pagtatapos ng PBA D-League Aspirants’ quar­terfinals kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Umiskor si Aaron Je­ruta ng 22 puntos at nag­tambal sila ni Rodri­gue Ebondo sa mahalagang atake sa ikatlong yugto para iwanan na nang tuluyan ang Pirates.

Kinuha ng tropa ni coach Edgar Macaraya ang quarter, 31-14, at ti­napos ang yugto gamit ang matinding 16-3 pa­litan upang ang 52-53 is­kor ay maging 68-56 ka­lamangan.

Si Jeruta ay may 22 pun­tos, habang sina Ebon­do at Sedurifa ay nag­­sanib sa 22 puntos para selyuhan ang pag­harap sa top seed at wa­lang ta­long Cagayan Val­ley Rising Suns sa best-of-three semifinals.

Nauna nang umabante sa Final Four ang beteranong Ce­bua­na Lhuillier Gems sa Jum­bo Plastic Giants, 85-81, para kunin ang ka­­rapatang sukatin ang No. 2 seed Hapee Fresh Fighters.

Si Paul Zamar ang nag­dala sa opensa ng Gems sa huling yugto.

AARON JE

BREAD STORY-LYCEUM PIRATES

CAGAYAN VAL

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

EDGAR MACARAYA

FRANCE BAKERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with