Sina Orcollo at ‘Bata’ ang bumalikat sa Phl billards
MANILA, Philippines - Binalikat nina Dennis Orcollo at Efren “Bata” Reyes ang laban ng Pilipinas sa larangan ng billiards nang nanalo sa ilang malalaking kompetisyon na sinalihan sa taong 2014.
Ang buwan ng Ene-ro ang lumabas bilang pinakaproduktibong buwan sa bilyar dahil humakot agad ng karangalan sina Orcollo at Reyes sa Derby City Classic.
Kampeon si Reyes sa Derby City Classic One Pocket Division para sa $12,000 gantimpala habang si Orcollo ang nanguna sa DCC 9-ball Banks Division bago lumabas bilang DCC Master of the Table.
Ang dalawang panalo ay nagpasok agad kay Orcollo ng $30,000.00 kabuuang premyo. May anim pang torneo ang naipanalo ni Orcollo pero wala siyang major title na nakuha.
Kinapos siya sa US Open 9-ball nang matalo sa two-time defending champion Shane Van Boening, 10-13, habang nalagay lamang sa ika-33rd puwesto sa World 9-ball Cham-pionship sa Doha, Qatar.
Wala ring kinang ang tambalan uli nina Orcollo at Lee Van Corteza sa World Cup of Pool sa Portsmouth, Great Britain, nang masibak sa quarterfinals laban kina Mika Immonen at Petri Makkonen ng Finland, 7-9, at magwakas ang isang taong paghahari.
Sa kabilang banda, si Reyes ay nanalo sa Smokin Aces One Pocket Shootout sa USA tungo sa $25,000.00 premyo.
Pinatunayan din ni Re-yes na may ibubuga pa siya laban sa mga local players nang magkampeon sa 2nd Manny Pacquiao Cup Singles at iuwi ang $12,000.00 gantimpala.
Sa pagtatapos ng taon, kumabig si Orcollo ng $90,575.00 habang si Reyes ay may $67,000.00 kinita na kanyang pinakamataas sa huling apat na taon.
Nagpasikat din sa taong ito si Raymund Faraon nang pagharian ang 47th All-Japan Championship matapos ang 11-4 tagum-pay kay Naoyuki Oi na nilaro sa Amagasaki, Japan.
Gumawa rin ng marka si Jeffrey Ignacio nang pumangalawa siya sa China Open at nagkampeon sa Manny Pacquiao Cup 10-ball Doubles kakampi si Jeff de Luna.
Si Rubilen Amit naman ang kuminang sa kababaihan nang pumangatlo siya sa Amway World Open sa Chinese Taipei, pumang-lima sa China Open at nalagay sa ika-17th puwesto sa Women World 9-ball Championship para sa $12,000.00 kabuuang premyo.
- Latest