^

PM Sports

Manila West sa knockout quarterfinals

Pang-masa

Laro Ngayon

(Xebio Sports Arena)

12:15 p.m. Kranj vs Manila West

 

SENDAI, Japan – Umabante ang Manila West sa knockout quarterfinals ng FIBA 3x3 World Tour Finals.

Ito ay matapos magtala ang Manila West ng 2-1 re­cord para makuha ang No. 2 spot sa Pool B.

Pinayukod ng Manila West ang Santos at Sao Paolo ngunit nabigo sa Bucharest.

Lalabanan ng Manila West nina Terrence Romeo ng Globalport, Niño ‘KG’ Canaleta at Aldrech Ramos ng NLEX at Rey Guevarra ng Meralco ang Pool C leader na Kranj ng Slovenia sa knockout quarterfinals sa Xebio Sports Arena sa Nagamachi.

Ang Kranj-Manila game ay nakatakda ngayong alas-12:15 ng tanghali.

Bumandera si Romeo sa 21-17 panalo kontra sa Sao Paolo, ngunit nabigong maipasok ang isang jum­per sa overtime laban sa Bucharest na nagresulta sa 15-13 paglusot ng mga Romanians.

Nakamit ng Bucharest ang No. 1 position papunta sa quarterfinals.

Haharapin ng Bucharest ang Jakarta para sa tiket sa semifinals.

Ipinatikim ng No. 10-ranked Manila West sa No. 6 Bra­zilians ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan sa eliminations na tuluyan nang sumibak sa huli.

Ang grupo nina Romeo, Canaleta, Ramos at Guevarra ay umabante sa world championship matapos pagharian ang Manila Masters leg.

Laban sa mga malalaking Brazilians, ginamit ng Ma­nila West ang kanilang bilis at outside shooting pa­ra kunin ang panalo.

Nagkampeon naman ang mga Romanians sa Prague.

Nakamit ng Jakarta ang puwesto ng Doha matapos mabigong magamit ang kanilang mga Qatari players na nagkaroon ng injury mula sa paglahok sa nakaraang 17th Asian Games sa Incheon, South Korea.

Ang iba pang nakapasok sa knockout round ay ang Novi Sad ng Serbia at Denver ng United States sa Pool A at ang Saskatoon ng Canada at Trbovlje ng Slovenia sa Pool D.

Nasibak naman sa torneo ang Santos at Sao Paolo ng Brazil, Wukesong ng China at Kobe ng host Japan. 

Ang magkakampeon sa FIBA 3x3 World Tour ang ta­tanggap ng $20,000 at tiket para sa FIBA 3x3 All-Stars, habang ang magiging runnerup ay bibigyan ng $5,000.

ALDRECH RAMOS

ANG KRANJ-MANILA

ASIAN GAMES

CANALETA

KRANJ

MANILA

MANILA WEST

SAO PAOLO

XEBIO SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with