^

PM Sports

Chargers inihulog ng Thunderbelles

Russell Cadayona - Pang-masa
Chargers inihulog ng Thunderbelles
Na-block ni Jovelyn Gonzaga ng ZUS Coffee ang hataw ni Grethcel Soltones ng Akari.
PVL photo

MANILA, Philippines — Hinataw ng ZUS Coffee ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos gulatin ang Akari, 25-22, 22-25, 25-18, 25-21, sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pumalo si AC Miner ng 16 points mula sa 15 attacks at isang block para sa 2-5 record ng Thunderbelles, habang may 12 at 11 markers sina Zam Nolasco at Chinnie Arroyo, ayon sa pagkakasunod.

Nagmula ang tropa ni coach Jerry Yee sa 17-25, 21-25, 25-20, 25-20, 15-12 pagtakas sa Galeries Tower Highrisers para sa una nilang panalo matapos ang 0-5 panimula sa torneo.

“Sabihin nating hindi na magdi-dictate ‘yun kasi nangyari na, nangyari na ‘yung pagtatalo namin. Kailangan namin strong finish para sa next (series) na paghahandaan namin, and morale booster siya sa amin,” ani veteran Jovelyn Gonzaga na nag-ambag ng siyam na puntos at 11 excellent digs.

Ang tinutukoy ni Gonzaga ay ang susunod na All-Filipino Conference Sigla Series.

Ang mga record at posisyon sa Siklab at Sigla Series ang magdedetermina sa puwesto ng isang ko?ponan sa pinakahuling Sinag Series.

Tumipa si setter Cloanne Mondo?do ng 16 excellent sets para sa kanilang opensa.

Pumalo si Eli Soyud ng 18 points mula sa 14 attacks, dalawang blocks at dalawang aces para pangunahan ang Chargers na laglag sa 3-5 marka kasama ang back-to-back losses.

Nagdagdag si Faith Nisperos ng 15 points, pitong excellent receptions, at pitong excellent digs.

Matapos kunin ng ZUS Coffee ang first set, 25-22, ay nakabawi naman ang Akari sa second set, 25-22, para itabla ang kanilang duwelo sa 1-1.

Ngunit hindi na nagpaawat ang Thunderbelles sa third set, 25-18, at itinuloy ang ratsada sa fourth set para kumpletuhin ang kanilang panalo.

Sunod na lalabanan ng ZUS Coffee ang Nxled sa Sabado sa parehong venue.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with