^

PM Sports

Plantsado na game plan ng Gilas sa Qualifiers

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasado na ang game plan ng Gilas Pilipinas para sa misyon nitong makasikwat ng silya sa 2027 FIBA World Cup na idaraos sa Doha, Qatar.

Sinab ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na kailangan ng Pinoy squad na makuha ang apat na panalo sa huling dalawang windows ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Kung maisasakatuparan ito ng Gilas Pilipinas, mas lalong lalakas ang tsansa nitong makuha nag awtomatikong silya sa FIBA World Cup at hindi na kailangan pang dumaan sa iba pang qualifiying events.

Unang sasargo ang fifth window kung saan makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang Syria sa Nobyembre 27 at ang Iran sa Nobyembre 29 sa Seremban, Malaysia.

Binabantayan ng Gilas Pilipinas ang laro ng iba pang teams upang makagawa ng game plan sa oras na magkrus ang kanilang landas.

Partikular na tinututukan ng Gilas Pilipinas ang Iran at Jordan na magiging karibal ng Pinoy cagers sa puwestuhan sa Group E.

“Its important to win our next four games,” ani Cone.

Wala nang pag-asa ang Syria na may 2-6 rekord.

Pamumunuan ang Syria ni naturalized player D’Angelo Harrison.

Bagong naturalized player ito ng Syria na naglaro sa St. John’s University sa Amerika.

Malalim ang karanasan ni Harrison na nasilayan sa aksiyon sa mga torneo sa Turkey, Israel, Russia, France, Italy at sa mismong Syria.

Ngunit tatapatan ito ng Gilas Pilipinas sa likod ni Bennie Boatwright na lalarga na rin bilang naturalized player.

Si Boatwright ang hahalili sa puwesto ni Justin Brownlee.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with