^

PM Sports

Pinoy chessers nalo sa Afghanistan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tulad ng inaasahan, tinalo ng mens team ng Philippines ang Afghanistan, 3.5-0.5 bagama’t humina ang line-up habang blinangko ng women’s squad ang Palau, 4-0 sa pagsisimula ng 41st World Chess Olympiad in Tromso, Norway nitong Sabado ng gabi.

Ipinamalas nina GMs Julio Catalino Sadorra, John Paul Gomez at Eugene Torre ang kanilang galing laban kina FIDE Masters Mahbuboollah Kooshani at Zaherudden Asefi at  Hamidullah Saraery, ayon sa pagkakasunod at nabigong ipanalo ni IM Paulo Bersamina ang kanyang lamang na posisyon para  magkasya sa draw laban kay Zabiullah Ahmadi sa kanyang Olympiad debut.

Nagtala si Sadorra, standout sa University of Texas in Dallas, ng 32-move win sa kanyang English Opening game laban kay Kooshani sa kanyang unang salang sa biennial event.

Ginamit naman ni Gomez ang Benko Gambit upang igupo si Asefi na may advantage na sa kalagitnaan ng laro bago sumuko sa 49th.

Nanalo si Torre, nasa kanyang record 22nd Olympiad appearance, via default laban kay Saraery.

Samantala, nanalo sina Cheradine Camacho, Janelle Mae Frayna at Catherine Perena via checkmates laban kina Angelica Parrado, Baby Edna Mission at Destiny Sisior, ayon sa pagkakasunod habang kinumpleto ni Jan Jodilyn Fronda ang shutout sa pamamagitan ng walkover win laban kay Gladys Anne Paloma sa Board 3.

Susunod na kalaban ng mga Pinoy ang Bosnia Herzegovina na blinangko ang Nepal, 4-0 sa men’s side at ang International Chess Committee of the Deaf, nagtala ng 3.5-0.5 panalo kontra sa Ethiopia, sa women’s side sa second round nitong Linggo ng gabi.

 

ANGELICA PARRADO

BABY EDNA MISSION

BENKO GAMBIT

BOSNIA HERZEGOVINA

CATHERINE PERENA

CHERADINE CAMACHO

DESTINY SISIOR

ENGLISH OPENING

EUGENE TORRE

GLADYS ANNE PALOMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->