Blair sa Washington
July 18, 2014 | 12:00am
WASHINGTON -- Kinuha ng Washington Wi-zards si center DeJuan Blair sa isang sign-and-trade deal sa Dallas Mavericks.
Nagtala ang 6-foot-7 na si Blair ng mga averages na 6.4 points at 4.7 rebounds sa 78 games sa kanyang season sa Dallas.
Ang unang apat niyang seasons ay sa San Antonio at ang kanyang career averages ay 7.5 points at 5.6 rebounds.
Nakuha naman ng Dallas ang karapatan kay Emir Preldzic sa nasabing trade.
Ang 6-9 na si Preldzic ay pinili ng Phoenix bilang 57th overall pick noong 2009 draft.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended