Mabangis ang Big 3 Bulldog spikers
MANILA, Philippines - Ang Big Three nina Vincent Raphael Ma-ngulabnan, Jan Berlin Paglinawan at Peter Den Mar Torres ang dahilan ng 4-0 record ng National University (NU) sa UAAP Season 76 men’s volleyball.
Tinalo ng Bulldogs Spikers ang De La Salle University Green Archers, University of Santo Tomas Tigers, Adamson University Falcons at University of the Philippines Fighting Maroons sa straight sets para iparamdam ang kanilang hangaring maidepensa ang kanilang titulo.
Si Mangulabnan ang nangunguna sa service sa average na 0.58 per set at may kabuuang pitong service aces sa kalagitnaan ng first round.
Si Paglinawan, ang masasabing best spiker sa kanyang 51.22 percent success rate bukod pa sa pagkakasama sa top 10 sa scoring department sa kanyang 50 points.
Ang Season 75 finals most valuable player na si Torres ang gumaganap ng supporting role sa kanyang leadership at veteran experience sa loob ng court.
Ang runner-up noong nakaraang taon na Far Eastern University, lumasap ng masaklap na four-set loss laban sa perennial darkhorse Adamson University noong opening day, ay nanalo sa Ateneo, De La Salle and University of the East para sa kanilang 3-1 karta.
Tabla ang Ateneo, UP, season host Adamson at UST sa 2-2 marka mula third hanggang sixth pla-ces. Ang De La Salle ay may 1-3 record para sa se-venth place habang bokya naman ang UE sa 4-laro.
- Latest