Beermen kinuha ang pang 9 na sunod na panalo
Laro Ngayon
(Yñares Sports Arena, Pasig City)
5 p.m. San Miguel Beer vs Westport Malaysia Dragons
MANILA, Philippines - Pinatindi ng San MiÂguel Beer ang paghahaÂbol para maging No. 1 sa eliminasyon sa Asean BasÂketball League nang kuÂnin ang ika-siyam na diÂkit na panalo laban sa Saigon Heat, 101-49, noÂong Miyerkules ng gabi sa Tan Bihn Stadium sa VietÂnam.
Lahat ng 12 manlalaÂro na ginamit ni coach Leo Austria ay umiskor at nilimitahan ng Beermen ang Heat sa 20 puntos sa ikalawa at ikatlong yugto, habang umiskor ang koÂpoÂnan ng 34 sa ikatlo kung saan inagwatan na niÂla ng 31 puntos, 68-37, ang home team.
Ang 52 puntos na kaÂlamangan ang pinakamaÂbangis sa liga matapos taÂbunan ang 102-61 panalo na nakuha ng Singapore Slingers sa dating kasaÂling Brunei Barracudas noÂong 2011.
Sa unang walong miÂnuto sa first period lamang nakaporma ang Heat nang hawakan ang 13-10 mula sa tres ni Filipino import Chris Sumalinog.
Pero nagpakawala ng tres si Val Acuña para pagningasin ang 13-4 paÂliÂtan upang umabante ang Beermen sa, 23-17.
Si Acuña ay may 11 puntos katulad ng mga imÂports na sina Justin at Brian Williams na nagtala rin ng 11 at 10 boards.
May 18 puntos si Asi TauÂlava habang 12 pun tos, 6 assists at 4 steals ang haÂtid ni Chris Banchero.
- Latest