Bucks dapa sa Nuggets
DENVER — Nagkuwintas si Nikola Jokic ng triple-double na 39 points, 10 rebounds at 10 assists sa kanyang pagbabalik matapos ang two-week absence para igiya ang Nuggets sa 127-117 pagdaig sa Milwaukee Bucks.
Ito ang ika-30 triple-double ngayong season ng reigning NBA MVP matapos hindi maglaro sa limang laban ng Denver (46-28) dahil sa injured left ankle.
Nagdagdag si Michael Porter Jr. ng 23 points.
Wala sa lineup ng Milwaukee (40-32) sina two-time MVP Giannis Antetokounmpo (sprained left foot) at Damian Lillard (right calf).
Kinuha ng Bucks ang 83-88 abante sa third period bago naghulog ang Nuggets ng isang 13-1 bomba tampok ang three-point shot ni Christian Braun para lumayo sa 101-84 sa fourth quarter.
Sa Indianapolis, ipinasok ni LeBron James ang isang buzzer-beating tip-in sa 120-119 paglusot ng Los Angeles Lakers (44-28) sa Indiana Pacers (42-30).
Sa Phoenix, umiskor si Kristaps Porzingis ng 30 points at may 24 markers si Jaylen Brown sa 132-102 pagrapido ng nagdedepensang Boston Celtics (54-19) sa Suns (35-38).
Sa New York, naglista si James Harden ng 29 points, 6 rebounds at 6 assists at may 27 markers si Kawhi Leonard sa 126-113 paglunod ng LA Clippers (41-31) sa Knicks (45-27).
Sa New York, nagposte si Orlando Robinson ng 23 points at 12 rebounds sa 116-86 pagkagat ng Toronto Raptors (26-47) sa Brooklyn Nets (23-50).
- Latest