^

PM Sports

Friday thriller

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

One final game ang magdedetermina kung ano ang kapalaran ng TNT Tropang Giga at Barangay Ginebra.

Tuloy ba ang ligaya at gloria ng Tropa o makakaganti ang Gin Kings at muling uupo sa trono bilang kampeon.

Sinoplak nina coach Chot Reyes at kanyang koponan ang close-out bid ng Gin Kings noong Miyerkules at dinala ang serye sa kaduluhang laban sa pamamagitan ng 87-83 Game Six win.

Smart Araneta Coliseum pa rin ang battleground sa deciding Game Seven, at malamang na malalagpasan ang 17,654 fans na naka-witness ng huling sagupaan.

Magandang rivalry ang nabuo ng dalawang koponan. At magandang sa winner-take-all match magtatapos ang kanilang banggaan.

Tangan ng Ginebra franchise ang 3-1 record sa Game Seven sa PBA Finals. Samantalang 2-2 naman ang tala ng TNT.

Dikdikan ang laban, kaya’t kung sino ang hindi kukurap ang malamang na mag-uuwi ng Commissioner’s Cup hardware.

Mas mabigat ang stake para sa Tropang Giga dahil habol nila ang second jewel sa posibleng grand slam season.

Samantalang, habol naman ng Gin Kings na makabawi at maiwasan ang strikeout kontra Tropa – considering dalawang sunod na talo na ang Ginebra sa kanilang title showdowns.

Technically, lumalabas ang serye na outside shooting ng Tropa versus perimeter at inside scoring ng Gin Kings. Sa depensa, balikatan ang laban.

Ang sigurado lang – tapos ang serye ngayong gabi.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with