^

PM Sports

Beda tumukod sa Letran

Nilda Moreno - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Ayaw magpaiwan ng Letran sa team standings kaya tinuhog nila ang San Beda University, 22-25, 25-18, 25-13, 25-16 sa NCAA Season 100 wo­men’s volleyball tournament na nilaro sa EAC Gym sa Gen. Luna St. sa Paco, Manila, kahapon.

Kumana si Sheena Va­nessa Sarie ng 21 points habang 17 ang binakas ni Marie Judiel Nitura para tulungan ang Lady Knights na sibatin ang 6-1 karta at saluhan sa No. 2 ang defending champions College of Saint Benilde.

Solo sa tuktok ang University of Perpetual Help System DALTA na malinis ang karta sa anim na laro.

Matapos sumadsad sa unang set ay bumangis bigla ang Lady Knights para sikwatin ang madaling panalo sa tatlong natitirang frames.

Bumakas sina Royce Dela Cruz at Nizelle Aeriyen Martin ng tig-pitong puntos habang anim na puntos ang tinipa ni Natalie Marie Estreller para sa Letran na sunod na makakalaban ang Lady Altas sa Abril 3 sa ala-1 ng hapon sa UPHSD Gym.

Bumida sa opensa ng Lady Red Spikers si Erin Feliz Navarro na may walong puntos habang tig-anim ang iniskor nina Sofia Katrina Dela Cruz at Reyann Canete.

Bokya pa rin sa panalo ang SBU sa pitong salang kaya tiyak na magiging mabalasik sila sa susunod nilang laro laban sa Mapua University, bukas ng alas-11 ng umaga sa EAC Gym din.

Samantala, nagwagi sa unang laro ang Taft-based squad, Saint Benilde kontrasa Emilio Aguinaldo College, 25-14, 25-12, 25-13.

Nirehistro ng pambato ng Lady Blazers na si Wielyn Estoque ang 13 points mula sa 10 attacks, dalawang service aces at isang block.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with