^

Pang Movies

FAP, namimili na naman ng isasali sa Oscars!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakaabot sa amin ang mensahe ng Film Academy of the Philippines kung saan nananawagan sila para sa nominations sa mga pelikulang ipadadala nila sa Oscars. Ilang taon na rin naman nilang ginagawa iyan na namimili ng local film para sa foreign language film category ng Oscars with the hope na kung mapansin ang ating pelikula hindi man manalo ay may makukuhang distributors sa international market

Malaking bagay iyan dahil kung mapapalawak ang market ng ating pelikula may mamuhunan ulit sa industriya at gagawa sila ng mahuhusay na puwedeng ipalabas sa abroad, at hindi iyong puro indie na isinasali nila sa festivals pero hindi naman nabebenta.

Ngayon nagbigay sila ng maliwanag na proseso. Sabi nga ng OIC ngayon ng FAP na si Manny Morfe, kailangang handa ang producer ng pelikulang maaaring sa Oscars para maiwasan ang problema, ibig sabihin hindi sila gumamit ng canned music o hindi nagbayad ng royalties sa music publishers, at handa ang producers ng pelikulang napipili para gumawa rin ng promotions ng pelikula sa America.

Kaya nasa tamang direksiyon ngayon ang FAP sa paglalagay ng kakayahan ng producer na i-promote ang pelikula sa America kung siya ngang mapipili na isali sa Oscars.

Barbie, ‘di pa nakaka-jackpot sa pelikula

Ano ba talaga ang nangyari sa pelikula ni Barbie Forteza? Una, hindi iyon naging isang malaking hit. Kung ang pelikulang iyan ay nag-hit, naku ang ingay na siguro nila sa ngayon.

Nanghihinayang kami kay Barbie dahil magaling na artista iyan at saka mabait na bata. Gusto namin  si Barbie kaya lang medyo nabantilawan ang career dahil concentrated nga siya sa TV, aminin natin na iba pa rin ang tingin ng karamihan sa isang sumikat sa pelikula at sumikat sa telebisyon.

Palagay namin kaya rin naman ni Barbie na magdala ng pelikula, basta tamang project lang ang gagawin at ipo-promote. 

Willie, kinumpara sa sugal

Hindi namin napanood nang live pero may video   ang bagong show ni Willie Revillame at kagaya nga ng inaasahan umuulan na naman ng pera sa kanyang programa. Iyon naman ang sikreto ng show niya, talagang umuulan ng malalaking premyo na cash pa kaya marami ang nanonood at nagbabaka-sakali, baka nga naman sila ang tawagan 20 libong piso.

Maraming nagsasabi na hindi raw maganda ang ganyang show dahil parang natatanim sa isip ng tao na ang pagkakataon nilang magkaroon ng pera ay sa game show, hindi sa pagsisikap. Para rin daw iyang sugal, game of chance.

Pero tama rin naman si Willie, ano ang maganda ang nagbibigay ka ng pera o hindi? Lahat naman ng iba pang shows kahit na sa America uso ang mga ganyang papremyo.

Male starlet, kabado sa Singaporean explicit content creator!

Kinakabahan ang isang male starlet na gumagawa ng mga gay content, kasi dahil sa nilikhang controversy, pumapasok na rin sa Pilipinas ang explicit content ng isang Singaporean content creator na lalo yatang sumikat nang makulong sa Singapore dahil sa kanyang mga explicit content eh alam naman ninyo ang mga Pinoy dahil sa pagma-marites hinanap talaga kung ano ang sinasabing explicit content noon at sumisikat na rin nga rito sa atin sa mga audience na medyo upscale dahil may bayad ang content para mapanood kaya hindi iyan papasukin ng mga nasa parlor at noong tinatawag nilang mga “baklang kanal.”

Pero iba nga ang dating ni Titus Low ng Singapore. Pinagkakaguluhan siya sa internet ngayon. Kaya kabado naman ang male starlet dahil apektado siya na wala nang bumibili ng kanyang sex videos na nagkakahalaga ng P300. Kasi naman alam ng mga bading na bading din siya, eh sino ba naman ang gaganahan pang manood sa kanya kahit na pogi rin naman siya. Iyong iba namang gumagawa ng explicit content dito sa atin mga mukhang “mamaw.”

Eh nakita nila iyong Titus Low, na mukhang matinee idol, Para ngang si Gabby Concepcion noong araw ang hitsura. Doon naman sila nagkagulo.

vuukle comment

OSCARS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with