^

Pang Movies

Mga alaga ni Heart, sanay na rin sa branded items!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga alaga ni Heart, sanay na rin sa branded items!
Heart Evangelista.
STAR/ File

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang pagpapa­suot ng Global Fashion icon na si Heart Evangelista ng kuwintas na milyon ang halaga sa pet dog niyang si Panda.

Maaalala ngang ipinasuot ng Kapuso actress ang Bulgari necklace niya na nagkakahalagang P11 million kay Panda.

Inulit nito na pag-aari naman niya ang kuwintas mula pa noong pandemya at hindi niya ito hiniram. Wala raw siyang nakikitang mali sa ginawa niya.

At ganoon daw niya ipakita ang pagmamahal sa mga pet niya. Very candid at transparent daw siya at mahal na mahal niya ang kanyang dogs.

Gusto nga raw niyang maging inspirasyon sa kung paano ang tama at pantay na pagtrato sa mga tao sa paligid.

Hindi naman ito ang unang beses na sinuotan ng misis ni Senate President Chiz Escudero ng luxury items si Panda dahil makikita na noon pa man ay pinagagamit niya na rito ang mga mamahaling kagamitan gaya ng mga kumot, dog collars, pet sweaters at iba pa. Pati rin ang maliliit na bags ay pinasusuot niya rito.

Gusto rin niyang maging example na ang aspin (Asong Pinoy) ay special kind of breed na sariling atin kaya ini-spoil daw talaga ito.

Sinabi rin nito na gusto niyang dalhin ang alagang aso na si Panda sa Paris na siguradong magte-trending at kontrobersyal na naman ‘pag nagkataon.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with