^

Pang Movies

Carla, humabol ng simpatya sa aspin na ni-reject sa resto!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Carla, humabol ng simpatya sa aspin na ni-reject sa resto!
Carla

Nagpahayag din ang Kapuso actress na si Carla Abellana ng suporta sa mga Aspin pagkatapos ng nangyari sa isang restaurant sa Tagaytay kung saan hindi pinayagang pumasok ang isang Aspin.

Hindi rin pinalampas ng aktres ang nangyari at nag-post ito ng litrato nila ng kanyang pet dog bilang pagsuporta bilang fur mom.

Sinabi nito na “PROUD Aspin lover, advocate, adopter, fosterer and furmom” siya.”

Ipinakilala niya ang kanyang alaga na si Fly na ni-rescue ng PAWS (Philippine Animal Welfare Society) Phi­lippines at kanyang kapatid na lalake kasama ang isa pang aso na si Wing ilang taon na ang nakararaan. Agad daw niyang inampon ang dalawa pero pumanaw rin daw si Wing pagkatapos ng ilang buwan.

Mukha lang daw ibang breed si Fly Fly at napagkakamalan pang shih tzu pero proud daw siyang sabihin na Aspin o Aspin-mix ito. Pero hindi raw importante kung ano ang lahi ng mga aso dahil para sa kanila ay pare-pareho lamang ang mga ito.

Sabik nga raw sumali si Fly sa Aspin Society Elite na pinangungunahan ng pet dog ni Heart Evangelista na si Panda Ongpauco Escudero.

Maaalala kasing nagpahayag din ng suporta ang Global Fashion Icon at baby nitong si Panda na isa ring Aspin.

Sinabi pa nga nitong imbitahan ni Panda ang kinawawang Aspin na si Yoda sa isang high tea.

At nagbigay rin ng mensahe si Carla sa mga establishment. Huwag daw i-advertise ng mga ito na “pet-friendly” kung partikular naman ang mga ito sa breed.

Naku kung ako lang ay may time talagang susugurin ko ang resto na ‘yun para sitahin noh. Hahaha.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with