^

Pang Movies

Movie ni Marian, ipapalabas hanggang Hawaii!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Movie ni Marian, ipapalabas hanggang Hawaii!
Marian

Hindi na lang nationwide ipalalabas ang Balota, ang first Cinemalaya movie ni Marian Rivera, dahil magsisimula na rin ang international screening nito. In-announce ng GMA Pictures na may international premiere ang movie sa 2024 Hawaii International Film Festival. Naka-schedule ang HIFF from Oct. 6, 12 & 21. Wala pang balita kung dadalo ang aktres sa nasabing filmfest.

Dahil nagsimula na ang international screening ng Balota, madadagdagan nito ang request na maipalabas sa iba pang parte sa ibang bansa ang nasabing pelikula. Marami tayong mga kababayan na gusto ring mapanood ang pelikula na tungkol sa eleksyon, lalo na at sa 2025 na ang midterm elections.

Request naman ng moviegoer sa GMA Pictures na sana raw, may bagong poster ang pelikula kapag ipinalabas sa ibang bansa at kahit dito sa atin.

Mauuna pa palang maipapalabas ang Balota sa HIFF than the nationwide screening in the country na sa Oct. 16, 2024 pa ang schedule.

Heart, lalagare sa Milan at Paris

Sa isang post ni Heart Evangelista, open choker Cartier at statement ring ang suot niya at ‘yung open choker, parang snake rin ang design, kagaya sa Bulgari Serpenti na pinamana niya sa kanyang asong si Panda. Comment tuloy ng isang netizen, mahilig siya sa ahas.

Sa isa pa ring post niya, binanggit na tinatapos niya ang mga meeting niya dahil lilipad nga siya pa-Milan, Italy para sa Milan Fashion Week. Naka-schedule sa Sept. 17-23 ang MFW at susunod ang Paris Fashion Week from Sept. 23-Oct. 1.

Kaya ngayon pa lang, inaabangan na ang araw-araw niyang pagrampa sa Milan at sa Paris.

Samantala, nabasa sa Instagram ni Chesi Escudero, anak ni Senate President Chiz Escudero ang “Thank you ulit Daddy and Tita Heart for making our 17th birthday very special! Love you both soooo very much.”

Matatandaang binigyan ng birthday party nina Chiz at Heart ang kambal na anak ni Chiz na sina Chesi at Quino. Ang birthday ng kambal ang isa sa mga rason kung bakit  hindi na dumalo sa New York Fashion Week si Heart. Idagdag pang ayaw rin niyang ma-stress dahil magkalapit ang schedule ng NYFW at MFW.

Catriona, may adbokasiya sa plastic bottles!

For all ages ang ini-launch ni Catriona Gray na tinawag niyang Enviro-Chic Bag dahil iba-iba ang design. May backpack pa, may pouch at may lalagyan ng bottled water o kung saan ninyo inilalagay ang baon ninyong tubig.

Ang daming pumuri sa kanyang advocacy kahit after six years of her reign as Miss Universe. Kaya tinawag siyang the best Miss Universe. Hindi raw kagaya sa ibang former Miss Universe na for show lang ang advocacy.

Tila may sine-shade ang netizens.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with