Assunta, biglang pinag-usapan
Grabe ang reaction ng netizens sa naging interview namin kay Assunta de Rossi sa kanyang pagiging donya / haciendera dahil nga sa mga ari-arian nila ng mister niyang si Jules Ledesma, na pinagdarasal niyang ‘wag na ring balikan ang pulitika.
Aniya, pakiramdam niya ay mga conflict of interest na dahil sa mga hacienda nila sa Negros na sila na talaga ang namamahala.
“The thing is... I don’t know kung anong mangyayari sa future, but right now, ‘yun ang wish ko, sana never (bumalik sa pulitika).
“Masyado nang conflict of interest, ang dami na naming mina-manage. And siyempre, may asawa’t mga anak din siya. So paano, that’s too much already. We own everything in San Carlos, (not the whole city). But the two haciendas. Kami na ang nagma-manage. We’re not answerable to anyone,” kumpisal niya sa nasabing interview.
Siyempre may say ang netizens.
Ayon sa isang nagkomento : “I think she should not have said that they own na everything in San Carlos. Even if it seems so.”
Na may sumagot ng “she was trying to make a point. but then the follow up question became the point- poor Assunta, whatever she says will be used against her.”
Hanggang may nag-agree ng “A little discretion won’t do any harm. Even if she was asked, she could have answered it discreetly without giving away too much.”
Sinagot nga nito kung anong feeling ng isang Donya, ‘yung literal na haciendera? “Wala, normal lang. I’m as normal as anyone can be.”
Dagdag niya, hindi na lang asukal ang mga produkto nila : “Ano na kami… iba-iba na. Aside from supplying sugarcanes, nagbebenta rin, real estate. May mga nagre-rent, may mga bumibili ng lupa sa amin, so iba-iba na talaga siya.”
So hindi na ba siya babalik sa showbiz?
“Hindi ko siya priority at this point.”
Hindi dahil sa hindi niya kailangan, “pero sabihin natin hindi naman kami desperate. We’re okay. Kumbaga gagawin ko na lang siya as a passion, ‘di ba. Hindi siya dahil dala ng pangangailangan. Nami-miss ko rin pero my kid is my priority.”
- Latest